Poetry

Tula para saking Lumikha

Hindi sapat ang isang tula o kahit na anong salita
Hindi sapat ang luha o kahit na anong pagsasadula
Upang ipahaag kung gaano mo ako minahal at kung gaano ka kadakila

Hindi lang isa, dalawa o tatlo
Ilang beses akong nadapa pero pilit mong tinayo
Inilayo mo ako sa mga tao na ang alam lamang ay saktan ako
Inilayo mo ako sa mga taong patuloy na tumapak saking pagkatao.

Noong ako ay umupo dun sa madilim na sulok ng mundo
Damang dama ang sakit na dulot ng mga taong patuloy na tumaboy sakin palayo
Hinimok ang aking puso at ako’y iyong kinatagpo
Iniligtas mo ako sa mundo, Iniligtas mo ako sa sarili ko

Nang makilala kita napuno ako ng pag asa
Hindi ko alam kung paano, hindi ko alam kung bakit
Puso ko’y nawalan ng pangamba, Napuno ng ligaya
Nawala lahat ng sakit, nawala lahat ng galit

Dahil sayo, ramdam ko na unti unti akong nabago
Paggising ko ngalan mo ang sambit ko
Pagtulog ko dalangin ang banggit sayo
Sabi ko, dito nako. Di nako aalis sa piling mo

Nagdaan ang araw, lumipas ang taon
Dulot ng lungkot na hindi ko nadulog sayo
Unti unti ring nakahon sa pansariling ambisyon
Unti unti, dahan dahan, di ko namalayan naglalakad nako palayo

Nanlamig yung dati’y sobra yung pagbabaga
Naglaho ang dati’y wagas kung manabik
Paggising, iba na ang nasa isip
Pagtulog, iba na ang panaginip

Heto ako, hinayaan ang sarili na magpalamon sa mundo
Naglaho ang pag asa na yumakap saking pagkatao
Ilang beses mo akong tinawag pabalik sayo
ngunit tumalikod ako pinili ang linatag sakin ng mundo

Niyakap ko ang kasalanan, Binalikan ang nakaraan
Nilamon ng depresyon, Nagpalumod sa kalungkutan
Pinilit kong kumawala, Pinilit kong pumalag
Ngunit ako ay nabihag at tuluyan ng nabulag

Unti unti, dahan dahan, nasadlak sa kasalanan

Noong ako ay umupo dun sa madilim na sulok ng mundo
Damang dama ang sakit na dulot ng mga taong patuloy na tumaboy sakin palayo
Binilang ko, binilang ko ang bawat hakbang,
Bawat salita na binitawan ko para di nila ko iwan

Mga pangako at pagmamakaawa na di naman dapat
pero aking ginawa para lamang ako ay kanilang kalugdan
Hindi ko alam kung saan at kung meron ba ako pagkukulang,
kung anong nagawa ko upang ako’y kanilang parusahan

Kinamuhian ang lahat ng tao, Kinamuhian ko ang mundo

Noo’y nakikita ko ang kalawakang puno ng mga bituing nagniningning,
ngayo’y nakikita ko na lamang ay ang kadilimamang bumabalot sakin

Noo’y napupuno ng mga pangarap na tumulong sakin lumipad pataas
ngayo’y patay ng pangarap, puno ng pasakit at paghihirap humihila sakin pababa

Noo’y nasambit sayo: Pagod na ako, Ayoko na.
At Noong gabing yon, Noong gabing iyon

Ipinaalala mo sakin na ang kailangan ko ay hindi kahit na anong pangako na magpapagaan sa loob ko
Ipinaalala mo na Hindi ko kailangan ng Awa, awa na gaya ng nilimos ko sa lahat ng taong akala ko minahal ako

Ipinaalala mo sakin kung ilang beses akong nawala at kung ilang beses mo akong hinanap
Ilang beses akong nabigo at ilang beses mo akong mahigpit na niyakap
Ilang beses akong tumalikod at kung ilang beses mo akong hinila pabalik sayo

Akala ko hindi na ako makakatakas, bilanggo ng sarili kong rehas
Sa gyera na sinugod ko ng walang kahit na anong armas
Pinilit kong maging matatag, pinilit kong maging malakas
Batid mo, batid mo ang pagod at hirap na aking dinanas

Narinig ko ang tinig na sakin ay yumakap
Kinatagpo mo akong muli at sinabing
“Anak hindi mo kailangang harapin lahat ng mag isa,
hayaan mo ako na tulungan ka”

At hinayaan kita…

Hinayaan kitang pulutin ang bawat basag na piraso
Nagpatuloy ka kahit napupuno kana ng kalyo
Duguan man iyong kamay sa dami ng iyong naging sugat
Mula doon sa hukay ako ay iyong inangat

Habang nakatingin ka sakin ng may luha sayong mga mata
ang sabi mo “Anak tama na, tapos na””

Akala ko kailangan kong maging malakas para maranasan ang pag ibig mo
Ang kailangan ko lang pala ay lumapit sayo
Ang kailangan ko lang pala ay mahulog sayo
Hayaan mo akong mahulog sayo

Nung araw na naglakad ako palayo sayo
Di ko narinig na sinisi mo ako
Pero ngayon dama ko, dama ko ang sakit na ramdam mo
Ganito pala, ganito pala yung sakit na nadama mo nung unti unting lumayo sayo

Noong ako ay umupo sa madilim na sulok ng mundo
Damang dama ang Init ng iyong pag ibig at higpit yakap mo
Dinig ang bawat salitang binibitawan habang naglalakad ako papalapit sayo
Unti unti, dahan dahan, binangon mo ako at inalis sa lugar kung san ako naiwan

Noong ako ay umupo sayong tahanan, nakita ko ang liwanag
Ang pag ibig na higit pa sa sapat, Ikaw ay laging tapat
Wala ng kasalanan, Wala ng kahihiyan
Sa aking kahinaan, hindi mo ako iniwan

Kailanman di mo ako pinabayaan
Pag ibig na hindi ko nilimos, ku sa mong binigay
Pag ibig na hindi ako tinaboy, hinila ako pabalik
Pag ibig na tinanggap ako sa kabila ng aking pagkukulang

Pagbalik saking Panginoon, Ama, Kaibigan
Isang daang hakbang ang tinahak ko palayo sayo
ngunit Isang hakbang lang, nakabalik ako
Walang agwat o kahit na anong espasyo ang maaari pang maglayo sakin sayo

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s